Monday, March 16, 2009

18

1-Hilary Carbonel: Hi ate Kcat!!! Can you still remember me???:)
: haha! nakakatawa talaga mga ganyang questions.. hehe. :P of course hilary! textmates tayo eh.. may pics pa tayo kasama si audrey (your sister).. meron ding with your family wearing the hEAR shirt.. ;)

2-Ira: are you pretty?
: of course! ganyan dapat ang sagot.. haha!

3-sara: do you like to be friends?
: sure.. add me on ym, facebook, friendster, multiply, plurk, twitter or myspace.. my email ad is: purple_tack@yahoo.com

4-sara: who do you like?
: who do i like to what?

5-kayze: kamusta ang interview?
: ayun.. interview.. hehe. kung anu-ano na naman pinagsasabi ko.. haha. watch nalang kayo ng CHANCES ARE on March 29.. click here for the details

6-Janina: hello athe kcat.:)im a student from DBS Manila.:) just wanna ask...how can i know that God is calling me.?
: hello Janina! Calling as in 'calling from God'? hmm.. I really don't know eh.. Siguro ask mo nalang kay sister.. :D

7-bria :): kunyari scientist ka.. ano gusto mung i-discover?
=)) wahaha
: cure for NF2

8-ana: do you feel better now?
: yes.. better everyday.. i may be sick.. but feeling better really come from within.. and it's kind of really a choice sometimes.. mind over matter.. but really, I my look sick, but I'm feel OK better naman.. ;)

9-cathie: hello.. =)musta?
: cathie? as in cathie ni moises? andito ka lang kani-kanina ah.. kakaalis niyo lang.. haha! I'm ok naman.. naiinis sa internet connection.. kasi epal.. haha! it's acting up na naman, d tuloy ako makapag-pet society ng matino.. haha! :P

10-kadyo: ano ang plurk?
: ang plurk ay masaya.. micro-blogging.. tapos may karma points.. ayan galing sa plurk yang emoticon na yan.. gawa ka ng account, tapos add mo ko..

11-Disappointed: Bakit di mo sineseryoso ang mga tanong namin?
: hala! may nagre-reklamo.. sineseryoso ko ah.. nagre-research pa nga ako eh.. 'seryoso akong tao' -->ayun di seryoso yung statement ko na yun.. haha!

12-mr. cruise: ano meron sa 5 days?
: kahapon mo to sinend, March 15.. bale 4 days nalang ngayon kasi March 16 na..Anyway, March 20 ang meron sa 5 days kahapon na 4 days ngayon.. Ano yun? March 20, sabi ng Viva films, March 20 daw rerelease ang Twilight dvd d2 sa Pinas.. Yun yon.. Syempre nakapag-pre-order na ko.. Hehe. :P

13-timo: Bakit lagi tayoy naghihintay? Bakit laging sa huli kumakaway?
: nahihintay-kasi di pa dumadating; kumakaway-kasi dumating na siya.. dapat kawayan para mapansin ka..

14-kadyo: Bakit laging sa huli kumakaway?
: kasi nga dumating na siya.. may dalang pasalubong..

15-Mr Cruise: Bakit nga ba minsan lang tumawa?
: sino? baka tinatamad igalaw yung facial muscles o kaya tulad ko na may facial paralysis..

16-nicole: bkit ganun? ang hirap ng math. pahirap ng pahirap. sabi dati ng mom ko ung pinag aaralan nmn sa math un ung pinag aaralan nila nung college na sia... eh 1st year plang ako... so.. ang advance nmn! :))
: kasi pahirap ng pahirap ang buhay.. para habang bata ka pa lang, in a way natututunan mo ng i-handle yung mga mahihirap na situations na pine-present sayo.. practice yan.. ngayon, math problems muna, pagtanda mo, financial problems naman.. haha!

17-sharmaine: bkit masarap ang bawal.. example: candy. masarap sia.. pero bawal. :))
: baka may melamime.. haha. joke. :P kasi pag ginagawa siya, dapat masaap.. kaya masarap siya.. haha. d mo naintindihan? ako din.. ;P

18-katty: hi.hello.sup?haha.aun.eto question ko. bkit ang ganda ko? jokes. eto na tlga. bkit ang hirap ng math?! sobrang dami ng numbers. :]] buti pa ang P.E. hinde. hahahaha! tatakbo ka lng ok na. may grades ka na! pero bkit ang ibang subjects di ganun? bkit di pwede maging ganun. tititigan mo lng ung blackboard may grades ka na! :]] ang saya siguro nun. :]]
: masaya nga yan.. sana ganyan nga talaga.. ayun dati nung highschool ako pati academic subjects ginagawa naming P.E.. tumatakbo din kami sa loob ng classroom.. haha! lagi namin sinasabi sa teacher namin, mag games nalang kami.. ayun kahit english, physics, trigo, halos lahat ata ng subjects nag gagame kami.. haha. tumatakbo langkami, may grade na.. pero need mo din mag-aral syempre.. syempre dapat may masagot.. pero tumatakbo nga kami.. haha! ;P