Monday, July 20, 2009

27

1-Cristopher Jason Lopez Cansino: Pano kaya ang mundo kapag hindi wireless ang mga cellphone natin?
:ganito ang mangyayari sa mundo:


2-Cristopher Jason Lopez Cansino: Bakit maingay ang mga pusa sa gabi?
: syempre naglalampungan sila.. mapapa-ooh-aaah ka talaga.. parang tao lang.. eh ganon sila magsalita eh.. ang pagkaka-iba lang walang motel para sa mga pusa kaya sa kalsada sila nagkalat.. hehe.

3-Cristopher Jason Lopez Cansino: Paano umutot ang aso?

: parang tao lang.. di sila umaamin pag umuutot.. kaya minsan yung mga tao nag tuturuan, yun pala yun aso.. o kaya naman, pag magkakasama silang mga aso, walang aminan.. magtuturuan pa yan.. biglang magtatahulan.. kaya pag biglang nag tahulan ang mga aso out of nowhere, ibig sabihin, may umutot sa kanila.. hehe.

4-Cristopher Jason Lopez Cansino: Magkano po ba ang sukli kapag bibili ako ng isang dosenang itlog at kalahating kilong asukal kung ang pera ko ay isang daang piso?
: 4.50 ang isang itlog times 12 equals 54; 19 ang kalahating kilong asukal.. 54+19=73 ang total.. eh 100 ang pera mo, so, 100-70=127. 127 po sukli niyo sir.. pengeng pera. hehe.

5-Cristopher Jason Lopez Cansino: Saan ba makikita ang tunay na pag-ibig?
: di ko pa natagpuan.. yaan mo, pag nakita ko, sabihin ko kagad sayo.. pramis!

6-promking: bat antagal mo mag update ng Kcat answers..
: nag-therapy pa kasi ako eh.. antrapik! excited ka ah.. monday pa rin naman eh.. hehe.

7-Isabella: kelan ire-release ang 5th book ng twilight saga?
: october daw..

8-Lucille: Hi KCAt, this is Lucille de la Cruz. I am a BS Bio student majoring in genetics. Is it possible to ask for your family tree or pedigree, as the genetic basis of neurofibromatosis is my case study for human genetics? These are my numbers, *** and ***. I am hoping for your reply. Thank you
: hello Lucille! my mom will contact you soon.. tc & God bless!

*edit* may 3 questions na naligaw.. sorry ngayon ko lang napansin.. ;)

9-promking: feasible ba kung magbebenta tayo ng tshirt na "Sta.Mesa: Biglang liko capital of Manila" ??
: di ko lang sure.. di naman lahat ng taga sta. mesa bibili.. though madami namang biglang lumiliko.. haha!

10-promking: bat may error yung page pag submit ko ng question ko? (di ko tuloy alam kung na send question ko)
: onga eh.. naka-encounter na rin ako ng ganon.. di ko pa natanong yun sa pinsan ko.. cge pa-check ko sa kanya..

11-promking: bat may error na naman?
: kaya siguro naligaw to.. sorry naman.. july 15 mo pa sinubmit to..